Saturday, October 08, 2005

Saturday Again yahoo!

It's saturday again at huling araw na naman ng trabaho, actually balak ko sanang mag absent dahil gusto kong pumunta sa Apalit para dumalo sa 2 day na Thanksgiving namin (Oct 8 & 9), pero hindi ako makadalo dahil sa trabaho, actually expected ko na suspended ako due to my lates hehehe, anyway half day lang naman kami sa work dahil nag karoon ng problema sa poste ng Meralco, naputol yung kawad ng kuryente :D, kaya ayon 1 pm pa lang ay naguwian na yung iba sa amin, including me dahil konti lang naman ang gagawin ko. Pero bago ako umalis ay tumulong muna ako pagaayos ng PC sa office, lilipat kasi sa ibang office medyo rush kasi yung ginagawa ng iba kaya hindi pwedeng mahinto.

Pagdating sa amin (meycauayan) ay nag rent muna ako sa internet cafe dahil nag check ako ng friendster ko (bawal kasi sa office) nag add lang ako ng friend then yun lang at umuwi na ako agad matapos kong gawin yon.


Pagdating ko sa bahay ay naglaro muna ako ng Red Alert at natulog ako (sa wakas nakapahinga din ng maaga). I woke up at around 10 pm unfortunately hindi na naman ako nakanuod ng Pinoy Big Brother.

Nag ihaw pa ako ng Porkchop as our dinner (late na kc kami nag dinner around 11 pm na), then after the dinner ay natulog na ako. Thank God at natapos na naman ang isang buong araw. =)

No comments: