Sunday, January 06, 2008

Grrrrrrrrrr!!!!

Grrrrrrrr! nagkaletse letse aku sa daan kagabe papunta ng meeting namin sa lokal dahil naiwan ko pera ko sa bulsa ng shorts ko, bad trip 1 riyal lang ang nasa bag ko, kung hindi pa ako sumakay ng bus nde ko pa malalaman na wala pala akong pera at ang the worst was ay naghintay ako sa bus station ng 1 hour... can you imagine that one hour kang naghintay tapos kunge kelan dumating ung bus tsaka ko pa nalaman n wala pala akong pera...... eh di ito na sumakay ako ng bus sabi ko sa driver sandali lang po at hahanapin ko pera ko... alang hiya 1 kilometer na tinatakbo wala p rin akong makitang pera bukod dun sa 1 riyal, kaya ayun nagpababa na lang ako at naglakad pabalik ng opis dahil andun ung driver namin, pahatid ako papuntang accomodation para kunin ang pera ko... bwisit ulet dahil pagdating ko ng opis kaaalis lang daw ng bus... malas talaga,, tinawagan ko ung driver para bumalik at sunduin ako dahil sabi ko emergency lang :D, ang bwisit ayaw nang bumalik babalik daw cya pero 8 PM pa daw alis niya para maghatid ng next batch sa accomodation... ang ending nakautang tuloy ako ng 20 riyals sa mabait na security guard namin (pritam ang name niya, un din ang taga supply ko dati ng news paper nung ang accomodation ko ay nasa ibaba lang ng opis namin... but thats a different story)... actually nde sa kanya yung pera iniutang lang din niya ako, but I promised that I'll pay him tomorrow night.

Ang pagsakay na naman ulit s bus ang madugo ang tagal hintayin ng bus papuntang souq alfardan (letseng 33B yan napakahirap antayin) kaya ayun naglakad ako ng 2 kilometers makasakay lang,,, at kung kailan naman ako naglalakad atsaka dumating ang letseng 33B, nde naman ako maisasakay dahil sa bus station lang talaga pwedeng magsakay, pero mabuti pagdating ko sa isang bus station ay eksaktong parating ung isang bus na number 33, papunta din ito ng alfardan. hay salamat sa Dios at nakarating din ako ng alfardan at mejo tomguts na ako, bumili lang ako ng Nova na chippy at 2 galaxy na chocolate at popcorn (ang healthy nu puro lason sa katawan hehehe) at lintek may fog pa kagabi na may kasamang sandstorm at napakalamig kulang na lang yelo, at ang tagal pang dumating ng bus na number 55 (ito ang bus na papunta naman ng Bin Omran)... ayun nakarating ako sa lokal namin na late na sa meeting dahil 9:17 PM na ako nakarating, 8 PM ang start ng meeting namin, pero its better to be late than never hehehe. nakipag meeting ako ng 1 hour mahigit, 11 PM na kami natapos. Nakauwi ako sa accomodation ng past 1 AM na. peo sulit lahat dahil nakaganap ako "kahit papaano" ng tungkulin ako at kabanalan din yun. Salamat sa Dios natapos na naman ang isang araw ko dito sa mejo magulong Qatar hehehe.

2 comments:

asilayflying said...

kapatid medyo outdated na ung post. pero san ba ang lokal ng Bin omran. sana mabasa mo pa 2.

Inan said...

Hello po... wala na po ako jan sa Qatar... after Qatar nag Singapore po ako... at ngayun eh andito na po ako sa Cebu naka base ngayun... nostalgic po pala basahin yung mga old posts ko... I forgot this experience already... buti at naka post dito hehehe