Saturday, January 26, 2008
Bubble Gum na naman.....
Langya kahit pala dito sa Qatar uso pa rin na kapag walang baryang isusukli eh bubble o candy ang ibibigay sa iyo... sa sobrang asar ko pati tuloy mga sales lady nababara ko o nasisis ko. Pambihira kapag 50 dirhams o 25 dirhams (50 at 25 sentimos sa atin)ang isusukli sa iyo ay bubble gum o candy, anak ng animnaput anim na sakang pwede ko kayang ibayad un sa bus o sa ibang store na pagbibilhan ko. Mga iresponsable rin cla pagdating sa ganyan perhaps nahawa sa pinoy puro kasi pinoy ang nasa cashier. Sila kaya bayaran ko ng bubble gum mga bwisit cla.
Sunday, January 20, 2008
Blackberry in Qatar
Finally nagkaron na rin ng Blackberry dito sa Qatar 'twas launched here last January 15, 6 days delayed na aku sa paagpost tungkol dito hehehe. Langya ang mahal masyado its doubled the price compare to the price in Singapore and in the Philippines... Ang excuse ng starlink (official distributor of blacberry here in Qatar)ay bago pa daw kasi. Its cost more than 2000 QR, lentek at kailangan naka line ka pa hindi pwede ang prepaid card. At ang minimum charge sa line ay 500QR ouch ang bigat masyado. Pwede ko pa cgurong patulan ito kung ang sweldo ko ay hindi bababa ng 10k QR, magtitiyaga na lang ako sa Nokia user friendly pa, but in fairness to Blackberry magnda talaga features niya, willing akong bumili ang hindi ko lang gusto ay hindi pwede ang prepaid card, ang bigat naman na masyado kung magbabayad ako ng 500 QR/ month eh nde naman ako nakakakunsumo ng ganun... sa tutoo lang ang pinakamataas kong load sa mobile ay 50 QR at pinag isipan ko pang mabuti bago ako magpa load ng ganun hehehe. Anyway check the website of blackberry to learn more about this cool gadget http://www.blackberry.com.
Friday, January 18, 2008
Ang Lamiiiiiigg Grrrrrrr!
Langya ang lamig ngayun dito sa Qatar, winter na winter talaga, 6-7 degrees ang temperature ngayon ditu. Kulang na lang may snow dahil parang nagyiyielo na sa lamig ngayun. Ang sakit sa tenga, sa kamay at pati sa paa. Nasabayan pa ng ulan kaya lalong lumamig ng todo. Delayed na nga ang winter dito dapat December pa lang taglamig na. Ngayung January lang nag start ang winter, sa ibang part ng Middle East especially Saudi ay nagyiyielo, inimail ng kaibigan ko ung mga pics sa Saudi ngayun.Ang hirap maligo, lalo na kapag nde gumagana ang heater. Pero nakakpaligo naman ako palagi hehehe
Sunday, January 06, 2008
Grrrrrrrrrr!!!!
Grrrrrrrr! nagkaletse letse aku sa daan kagabe papunta ng meeting namin sa lokal dahil naiwan ko pera ko sa bulsa ng shorts ko, bad trip 1 riyal lang ang nasa bag ko, kung hindi pa ako sumakay ng bus nde ko pa malalaman na wala pala akong pera at ang the worst was ay naghintay ako sa bus station ng 1 hour... can you imagine that one hour kang naghintay tapos kunge kelan dumating ung bus tsaka ko pa nalaman n wala pala akong pera...... eh di ito na sumakay ako ng bus sabi ko sa driver sandali lang po at hahanapin ko pera ko... alang hiya 1 kilometer na tinatakbo wala p rin akong makitang pera bukod dun sa 1 riyal, kaya ayun nagpababa na lang ako at naglakad pabalik ng opis dahil andun ung driver namin, pahatid ako papuntang accomodation para kunin ang pera ko... bwisit ulet dahil pagdating ko ng opis kaaalis lang daw ng bus... malas talaga,, tinawagan ko ung driver para bumalik at sunduin ako dahil sabi ko emergency lang :D, ang bwisit ayaw nang bumalik babalik daw cya pero 8 PM pa daw alis niya para maghatid ng next batch sa accomodation... ang ending nakautang tuloy ako ng 20 riyals sa mabait na security guard namin (pritam ang name niya, un din ang taga supply ko dati ng news paper nung ang accomodation ko ay nasa ibaba lang ng opis namin... but thats a different story)... actually nde sa kanya yung pera iniutang lang din niya ako, but I promised that I'll pay him tomorrow night.
Ang pagsakay na naman ulit s bus ang madugo ang tagal hintayin ng bus papuntang souq alfardan (letseng 33B yan napakahirap antayin) kaya ayun naglakad ako ng 2 kilometers makasakay lang,,, at kung kailan naman ako naglalakad atsaka dumating ang letseng 33B, nde naman ako maisasakay dahil sa bus station lang talaga pwedeng magsakay, pero mabuti pagdating ko sa isang bus station ay eksaktong parating ung isang bus na number 33, papunta din ito ng alfardan. hay salamat sa Dios at nakarating din ako ng alfardan at mejo tomguts na ako, bumili lang ako ng Nova na chippy at 2 galaxy na chocolate at popcorn (ang healthy nu puro lason sa katawan hehehe) at lintek may fog pa kagabi na may kasamang sandstorm at napakalamig kulang na lang yelo, at ang tagal pang dumating ng bus na number 55 (ito ang bus na papunta naman ng Bin Omran)... ayun nakarating ako sa lokal namin na late na sa meeting dahil 9:17 PM na ako nakarating, 8 PM ang start ng meeting namin, pero its better to be late than never hehehe. nakipag meeting ako ng 1 hour mahigit, 11 PM na kami natapos. Nakauwi ako sa accomodation ng past 1 AM na. peo sulit lahat dahil nakaganap ako "kahit papaano" ng tungkulin ako at kabanalan din yun. Salamat sa Dios natapos na naman ang isang araw ko dito sa mejo magulong Qatar hehehe.

Singapore Singaporeeeeee
Curious n curious aku sa Singapore actually matagal ku nang makarating dun......... mga tol 3rd yr college pa lang aku... palagi kung tinitingnan ung mga magazine na may picture ng Singapore dahil talagang gustung gustu kung makarating dun.. hanga aku dahil ang liit na bansa pero ang yaman at ang daming opportunities. kakaiba
Huwaaaaaaaaaa naterminate aku
Langya I got terminated mabuti na lang at napunta aku dito sa Khazan Qatar dahil malakas at kakilala ko marketing manager dito..... well nagkakilala kami nung magpagawa ng website sa akin itong Khazan... sa una sinungitan ko pa cya dahil bwisit nga aku sa company namin tapos magpapagawa pa website ng ibang company. I didnt realize na hinahanda pala ng Dios ung lilipatan ko dahil alam Niya na bwisit n bwisit na ako sa Qatar Star... blessing in disguise talaga ang pagkakaterminate sa akin... talagang nakabalot ang regalo ng Dios sa hindi natin inaasahang ipambabalot Niya
2008 Na!
Wow 2008 na.... Salamat sa Dios at nakaraos sa 2007....... panibagong taon na naman..... panibagong pakikipagsapalaran na naman........ kung anu mangyayari this year is nde ku alam... nde ku alam kung makakalipat aku ng ibang bansa....... nde ku rin alam kung makaklipat aku ng company at makakalayas na sa napaka kuripot na kumpanyang ito..... pero mas prefer ko nang lumipat ng ibang bansa (sa tingin ko try ko Singapore mukhang ayus mag work dun), ayokong tumanda dito sa middle east na ang palaging kong kasama sa araw araw ay puro arabo, indiano, pakistani at egyptian na puro mga engots hahaha.... nde naman sa nanlalait aku, dinidescribe ku lang cla.
Grabe pasok ng 2008 dito.... walang tulo ang gripo as in walang tubig mabuti n lang kahit papaano nakapaghilamos ako at nakapag shampoo bago pumasok sa trabaho... mga kasama ko nde na nakaligo hahaha...

Subscribe to:
Posts (Atom)