Sunday, March 22, 2009

Newest Youtube sentsations......

Naks ang lufet ng video namin sa youtube........ for sure maraming tataob na mga nagpapasikat lang sa youtube........ dahil hindi pilit ang sex appeal na may pagaka animalistic appeal........ lalu na c Bro Albert na backup dancer namen hehehe

Wednesday, March 11, 2009

Pang istarbuks n kape ku hehe

Adeek na adeek aku ngayun sa kape cmula nang matutu akong magtimpla ng pekeng latte na ala starbucks hahaha... Natutunan ko ito sa kaptid........ since then na adeek na ako s kape ....... ulit!....... kasi dati nang akong adeek sa kape ever since nung nasa pinas p ako.

Pang Starbucks na kape ku......... istarbuks nga lang itsura hehe

Pang Starbucks na kape ku......... istarbuks nga lang itsura hehe

Tuesday, March 03, 2009

It's funny how the time goes

I feel nostalgic everytime I see my old pics here in Qatar.It's funny how the time goes....... pambihira going to 3 yrs na pala ako dito sa Qatar, dami ng nangyari, dami na akong naencounter na ibat ibang sitawasyon, problema, saya, tuwa, tawa, kalungkutan, away - bati, bati-away, diskusyon, tampuhan, mga buraot na arabo, mababait na arabo, mga gagong arabo, matitinong arabo, mga gagong indiyano, mga mababait na indiyano at kung ano ano pa. Haaaaaaaaaayyyyyyyyyyy looking back when I first arrived here I didnt even imagine that I will stay here until almost 3 years. kasi 1 week pa lang gusto ko nang umuwi,,,,,,, nahirapan akong makisama sa kanila pagdating s atrabaho at iba pa.... mejo bulok yung style kasi nila pagdating sa trabaho, puro yabang pa (tutoo lang naman).

Thank God and I lasted almost 3 yrs here........ Salamat sa Dios sa mga kapatid na nandito, mga kaibigan na nakilala ko, mga good experieces at mga unforgettable experiences.... At salamat sa Dios sa tungkulin at gawain na ibinigay niya sa aking dito na sana ay maipagpatuloy ko kahit saan man ako makarating..... sa awa at tulong Niya.

At nagpapasalamat din ako sa Dios sa mga problema na naencounter ko dito dahil it made me a better person.... thank God!

Before I can't even imagine kapag nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kapatid na naging kaibigan ko........ pero talagang kailangang mangyari for us to be able to grow.

Dami nang napunta sa iba't ibang lugar, dami nang nagsipag asawa at umangat na sa kani-kaniyang career. Nakakatuwa naman at salamat ulit sa Dios.

May iba naman na natulog na (pumanaw), salamat sa Dios at naging bahagi sila ng buhay ko, napakabuti talaga ng Dios.

Daming nangyaring magagandang bagay sa buhay ko dito sa Qatar... sadly nde ko man naappreciate ung lahat ng mga yon, nabablewala ko tsk!

I can't even imagine na makakrating din ako dito......... Purely sa kalooban ng Dios kung bakit ako nakarating dito..... I am 100% sure, at naniniwala din ako na sa kalooban din ng Dios kung malilipat man ako sa ibang bansa naman.

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!



Ngarag na ngarag sa Doha Airport-- hinatid namin c Bro eizen 1 AM na yan kaya lagpak na kami.


WOW It seems like yesterday nung inihatid ako ng mga kapatid sa airport.... nde man lang ako nakaramdam ng lungkot nung una kong papunta dito.....


Locale of Qatar Officers- Pasalamat namin Oct 31, 2007 -------- Hindi halatang almost 3 am na yan nu hehehe...... mga pasaway kasi :D


ADDCIT Qatar with Bro Ver & Bro Jhezen


Buong Lokal ng Qatar sa Villagio


ADDCIT Qatar PBK 2008


Sa Airport ulit nung naghatid kami kay Bro Greg


WOW ang lufet naka putaragis!!! - Pambihira batang bata ang pres na pres pa kami hehehe... Pasalamat ng Lokal ito September 08, 2006


Sa ADDPRO/CIT Booth


Sa Chinese Resto GIMIK ng Buong KKTK Qatar ------- 2006
Sa ADDPRO/CIT Booth


Ito Malufet KAANIB Pic of The Day nung 2006 - Bad Trip ang pangit ko pa nun........ sabagay may nag imporve ba hahaha


AT ITO ANG PINAKAMALUFEEEEEEEEEEET!!! ANG F4 VERSION NG QATAR HEHEHE



Marami pang mga pics na nde ko na ipost dito, yung iba kasi wala akong kopya ung iba naman nde ko na makita...........

Sunday, March 01, 2009

APO

Hanga talaga ako sa Apo Hiking Society... the way they sing at mga songs at compositions nila.... ramdam mo kasi na talagang galing sa mga experiences nila mga kanta nila. I like Anna at Pag-ibig.

Bwisit dami na nag revive ng mga kanta nila... they butchered the songs of Apo lalo na yung Sponge Cola snira nila yung "Nakapagtataka"...... peace sa mga sponge cola fans..... opinion ko lang ito.

Bili sana ako ng album nila nung nagbakasyon ako s pinas yung The Best of Apo Hiking Society.... kaso natapos yung 42 days vacation eh nde ko man lang nabili........ busy kasi sa galaan eh hehehe.

Job Experiences ku

I just want to share and mga company na napasukan ko at mga nagign trabaho ko.

Here are the list... in order hehe.

1.Sweeper sa Pabrika sa Indophil 1996 (owned by pana- mga indiyano), summer job ko ito mga 15 yrs old lang ako back then, talagang sunog na sunog ang mala artista kong balat... nagkulay betlog ako dito.

2.Service Crew sa Jollibee 1997, after ko makagraduate ng higschool dito. (2 days lang tinagal at basta na lang hindi ako nagpakita), bwisit ang sistema nde pa free ang pagkain at puro fine pa kapag nagkamali ka sa trabaho,for example 100 pesos kapag nde nalinis mabuti ang banyo..... at isa pang nakakaasar..... sagot namin uniform (langya eh ang mahal ng uniform).

3. Service Crew sa Mcdo 1998.... this is way better than Jollibee but unfortunately I didnt perform well on this job, laging palpak ang pagpiprito ko ng burger kaya asar talo manager sa akin hahaha

4. JANITOR/ Messenger sa BMG Records 2002 (sa Cubao ito).... ito malala dahil after ko makagraduate ng Associate in Computer Science (lufet) eh janitor ang bagsak ko. I accepted this job because I had no choice dahil 2 yrs na akong unemployed dahil walang tumatanggap sa akin dahil hindi ako Bachelors Degree at wala akong experience sa course ko. Langya puro paltos paa ko dito dahil sa layo ng nilalakad ko papuntang trabaho from crossing ng Aurora Blvd, at ang lalayo ng pinupuntahan ko kapag inuutusan ako usually sa Ortigas palagi. Kangarag din biyahe kasi magmumula pa ako sa Meycauayan Bulacan.

5. Bantay sa Computer shop namin 2002-2003na nalugi.... nde ko trip ito dahil gusto kong mag grow.

6. PC Editor sa Data Processing Company 2003 (Naks ang ganda ng tawag) maganda lang ang tawag pero ala kwenta dahil pangit ng sched dahil graveyard shift....... at isa pa walang kwenta din ang sweldo 120 pesos lang malaki pa sweldo ko dito nung nag janitor ako.

7. Web Designer at Graphic Artist sa EXCELGARD SECURITY & RESEARCH SERVICES (Sept 2004 - Oct 2004) (Espana tabi ng UST)....... bwisit na trabaho ito,,,, matapos kong gumastos sa pesteng uniform na ang baduy dahil orange and eh nde man lang kami pinasweldo dito. ILLEGAL itong company na ito owned by a devil named Urbano P Caasi III. Na TV Patrol na pala ito before.. Anyway nagkaron ako ng 2 kaibigan dito na until now ay may contact pa rin kami sa isa't isa, nasa Singapore na ung isa na GA dun at yung isa ay nasa Dalla TX na.... Dito nag umpisa ang career ko as Web and Graphic Designer... watta a bitter start hehehe.

8. Web Designer at Graphic Artist Webcom Inc. (Jan 2005 - June 03, 2005) Strata 2000 Ortigas Center- ito ang unang matino na company na napasukan ko, pero ala kwenta dahil nde stable at delayed ang pasweldo.Na terminate ako dito pero kinabukasan nakalipat ako sa IAJ.

9. IAJ Enterprises....(June 03, 2005- 2006) Right after ko sa Webcom lipat kaagad ako dito, maganda itong company na ito distributor cla ng WOW Magic Sing at nagbebenta din cla abroad thru online..... At ako gumawa o nag design ng website na until now ay ginagamit pa rin nila ang design :D. pinasok pa namin ito sa Phil Web Awards kaso semplang agad hehe. I left this company because I migrated here in Qatar.

10. Qatar Star Services (May 28, 2006 - Oct 23, 2007) - walang kwentang company dito sa Qatar.... very unstable pero kaloob na rin ng Dios ito at ang pagkakapunta ko dito... na politika ako dito pero alam kong niloob na rin ng Dios iyon.Na terminate ako dito pero kinabukasana na hire agad ako sa Khazan... Deja vu (same incident sa webcom at IAJ ah)

11. Khazan Qatar (Present) ayos pero nde the best...... sister company ito ng Qatar Star. Kaibigan ko manager dito dito, manufacturer & distributor ng Aqua Gulf Pure mineral drinking water at Dana Mineral Water... In house web & graphic designer ako dito..

12. I DON’T KNOW WHATS NEXT HEHEHE…. I LEAVE IT TO GOD ALMIGHTY KUNG SAAN MAN ANG NEXT JOB KO.

11 companies na pala napasukan ko.... Salamat sa Dios kung saan man ako naroroon ngayon, although nde ko pa talaga naabot yung talagang ultimate dream ko for my career... It seems impossible na makarating ako kung saan man ako nandoroon ngayon, pero sa awa tulong ng Dios andito ako sa trabahong gusto ko.

Hindi pa kasama mga iba ko pang napasukan at ikukuwento ko din ung mga pinagdaanan ko sa pag-aapply.


I CAN'T IMAGINE NA MAGKAKARON AKO NG SARILI KONG TABLE AT COMPUTER AT MAKAKA NUOD SA YOUTUBE BUONG ARAW HAHAHA..... HALATA BA SA PICTURE HEHEHE