Balik Qatar na naman ako....... langya tinamaan ako ng homesick sa airport pa lang... kung kelan pangalawang punta ko na dito dun pa ako na homesick, parang gusto kong umuwi na ewan.
Dumating ako sa aiport at around 2:30 am den nag checkout ako ng bandang 2:45 am.... ang bilis kasi walang bantay, wala clang pakialam kahit ulo ng baboy ang dala mo hahaha.
Nag stay muna ako sa airport dahil 6 AM pa ako susunduin papuntang lokal, sobrang ngarag ako dahil puyat ako sa pinas pa lang at nde ako nakatulog at makatulog sa airport dahil nanood pa ako ng movie na Iron Man at gaganda ng music, malupet ang Emirates Airlines ang ganda ng eroplano nila laos ang Qatar Airways na direct flight lang ang pedeng ipagmalaki. Nakinig ako ng mga album nila Elton John, Stevie Wonder, Michale Jackson at iba pa.... pero da best ang kay Michael Jackson (makabili nga nung Album niya)
Sa sobrang pagod ko nahiga muna ako sa sahig ng airport at natulog muna katabi ang mga indiyano (kung cno talaga kinabubuwisitan mo iyung ang palagi mong nakakasalamuha.. bweset!) kapiling mo pa sa pagtulog hahaha...
Sobrang badtrip nga lang dahil pag gising ko ay nawawala yung sunglass ko langya may dumekwat... sa airport p ako nadugasan (sayang ang ganda pa naman at sale ku nung nabili ku yun)
Sunday, August 17, 2008
Thursday, August 14, 2008
Wow ang Bilis ng Bakasyon
Tsk! langya time to go back again to Qatar hindi ko namamalayan at tapos na pala yung 42 day vacation ko.... as in ganun lang kabilis..... another adventure na naman at makakaranas na naman ako ng pamatay na tag init (hindi ako exaggerated talagang pamatay talaga!)... wrong timing den pagbalik ko dahil humid na dun, hindi ka kumikilos pero pagpapawisan ka ng todo at ang lagkit pa sa balat at ang hirap huminga dahil wala talagang hangin..... Another pakikipagbaka na naman..... makikita ko na naman yung table ko at yung PC ko na tambak na sa files.... boses ng boss ko na sawang sawa na ako..... mga officemates kong indiyano ay sri lankan at mga arabo.......... at most especially mga manyak na patan hehehe.
Anyway hindi na ako kabado bumalik dahil kabisado ko na yung bansa at madami na akong kakilala at mga kaibigan and most especially Im sure na kalooban ng Dios ang pagbalik ko dun at cguradong papatnubayan niya ako.
Sa 42 days na bakasyon ko nasulit ko naman... nakain ko lahat ng gusto kong kainin at nabili ko yung mga gusto kong bilhin (yung mga mumurahin lang ha hahaha)... nakadalo ulet ako sa lokal namin at na meet ko ulit yung mga kapatid na mga naging malapit na rin sa akin... At isa pang nagawa ko na masasabi kong minsan lang yung nakaligo ako sa ulan hahaha...
Nakakatuwa dahil nung wala pala ako ay hinahanap ako ng ibang mga kapatid.... nasaan na raw yung ginagaya ni Bro Zoren (kapal hahaha).
At higit sa lahat nakapag gimik at kape ulet kami ng kapatid na very close sa akin... pareho kasi kaming addict (adeeek talaga)sa kape.
At isa pa at pinakahigit sa lahat at nakita ko ulit ang family ko pati na yung mga pamangkin ko. (Of course mas malufet pa rin yung nakadalo ulet ako ng PBK sa apalit).
Ang hirap lang pabalik ay yung bagahe dahil ang bigat ng bagahe ko sana hindi ako mag over baggage... may mga padala din kasi yung mga kapatid.
Thank God for everything, naging masaya vacation ko.
BTW mamaya na pala flight ko hehehehe..... teka lang mag aayus pa pala ako ng mga bagahe at over baggage ako kaya mag babawas muna ng load :D
.

Subscribe to:
Posts (Atom)