It has been a while since I last posted, anyway I just want to share what happened on the day of my departure.
Dumating na ang araw ng alis ko, 3:25 daw ang flight ng airplane, dumalo muna ako sa prayer meeting namin sa Lokal ng Saluysoy, ito na kasi ang huling pagdalo ko dito sa Pilipinas, nakakalungkot dahil hindi ako nakadalo ng Pasalamat namin sa Dios kahapon sa Apalit Pampanga dahil sa buwisit na briefing naming sa agency. Nagpaalam na ako sa mga ibang kapatid ko o sa lahat ng ka close ko sa mga kapatid ko, medyo malungkot ako dahil 2 taon ko ring hindi makikita ang mga kapatid ko. Si bro. allan ang maghahatid sa akin sa airport kasama ang pamilya ko at cla kuya bitoy at bro chris at si moses, at kasama din ang Tita Leah ko. Sa sasakyan ay ok naman ako, hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Nagpahintay pa si Moses sa sa kanto ng Mayon sa A. Bonifacio, mga isang oras din naming siyang hinintay, pasaway din masyado yun sa hintayan hehehe, ang usapan kasi ay dadaanan naming siya sa Munoz, pero iba ang plano ni bro allan, sabagay mas mabilis ung way namin. Pagdating sa airport ay nandoon na yung mga makakasama ko.
Nagpapicture pa ako kasama ang family ko at cla kuya bitoy at moses. Mamimiss ko ang pamilya ko at ang mga kapatid ko pero wala akong magagawa dahil kailangan kong magtrabaho at kumita ng pera, madami kaming utang, sabagay maikli lang naman ang 2 years, kakayanin ko ito sa tulong at awa ng Dios. J
9 hours ang flight namin from Manila to Qatar, thank God at nakarating kami ng maayos at ligtas talagang may pag-iingat ang Dios sa akin, kaya't nagpapasalamat ako ng lubos sa Panginoon. J
Wala akong signal sa cellphone pagdating namin dito sa airport ng Qatar, 24 hours pa pala bago mag activate yung roaming ng smart, QAT QATARNET ang linya ng phone dito, nagiisa lang yata yon dito.
Pagdating ko sa Qatar ay ako lang ang naiwan sa accommodation kasama ang mga makakasama ko opisina. Salamat sa Dios at maayos ang lugar na napuntahan ko. J
No comments:
Post a Comment