Wednesday, February 06, 2008

Ang managaer kong pasaway

Nagpapasalamat ako sa Dios at nalipat ako ng kumpanya at nagkaron ng ok na manager, wala kasing kwenta ung inalisan ko pati ung mga nasa posisyon wala rin kwenta... mga magugulang at buraot... in short mga walang hiya.

Dito sa nalipatan ko ay ok ang sistema at kasundong kasundo ko p ang manager kong Sri Lankan/ Malaysian
dahil barkada/ kaibigan ko ito... kasabwat ko p sa mga sidelines ko hehehe.

ang isa s gusto ko dito ay may sayad at jologs kasama... in short cowboy, napak down to earth pa.... madalas lang akong mapangaralan nito, ang daming tips na binibigay sa akin dahil naniniwala cya sa talent ko (ganun hehehe). In short gusto niya akong mag improve at maging professional sa trabaho.... nakakatuwa dahil may taong naniniwala sa akin at binibigyan ako ng mga chances at opportunities. Very rare itong kagaya niya.... imagine marketing manager pinagtitiyagaan tulungan ang isang employee na kagaya ku lang...

Ipinakilala pa niya aku sa kaibigan niyang Qatari na bigtime... dating amo niya ito na napakalaki ng tiwala sa kanya. At nabigyan pa aku ng opportunity na makapag sideline hehehe

At kung nde ko itu nakilala at hindi nagpagawa ng website s akin (na nung una ay binabara ko pa sa phone) eh baka nasa pinas na aku ngayun at nananatiling unemployed :D

Salamat sa Dios talaga. Ang dami talagang paraan ng Dios para tulungan ka. minsan akala mo walang kwenta ang nangyayari, walang kwenta ung mga naeencounter mong tao, at walang kwenta ang isang bagay.. un pala ung mga un pa ang gagamitin ng Dios para sa ikabubuti mo... Rom 8:28

Sometimes we missed God's blessings because they are not packaged as we expected.